
Cauayan City – Nadakip ang isang lalaking matagal nang tinutugis ng batas sa isinagawang police operation sa lungsod ng Cauayan nitong Sabado, ika-21 ng Marso.
Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas “Totoy”, tricycle driver, at residente ng Purok 7, Sipat Street sa nasabing lungsod.
Si alyas “Totoy” ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property na may itinakdang piyansang nagkakahalaga ng ₱30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasabay ng pagkakaaresto, ipinabatid sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Act of 2009.
Dinala naman ang nasabing suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa korte na naglabas ng warrant.
Hinimok naman ng mga awtoridad ang ang publiko na makipagtulungan sa mga ganitong operasyon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.










