
βCauayan City β Ligtas at mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Lambak ng Cagayan, ayon sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO2), na nagtala ng zero stray bullet at 50% decrease sa insidente ng paputok kumpara noong nakaraang taon.
βAyon sa kapulisan, nakamit ito sa pamamagitan ng mahigpit na operasyon laban sa ilegal na paputok, checkpoints, at tuloy-tuloy na paalala sa publiko hinggil sa ligtas na pagdiriwang. Nakaapekto rin ang mga pagkumpiska ng ipinagbabawal na paputok at pag-aresto sa ilang lumabag sa batas.
βPinuri ni PBGEN Antonio P. Marallag Jr. ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan at mamamayan, at ang mga kampanya sa social media at komunidad na nagpaalala sa panganib ng paputok at paggamit ng baril.
βAyon sa PRO2, ang zero stray bullet ay patunay ng mas mataas na disiplina at kamalayan ng publiko. Nanawagan ang kapulisan na ipagpatuloy ang ligtas na pagdiriwang sa lahat ng okasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.
βSource: PRO 2
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










