Friday, May 1, 2026

𝟭𝟬 π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—”π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—œπ—‘π—’, π——π—¨π— π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 𝗦𝗒𝗨𝗧𝗛 π—žπ—’π—₯π—˜π—” 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  π—‘π—š π—¦π—˜π—”π—¦π—’π—‘π—”π—Ÿ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠

β€ŽCAUAYAN CITY – Dumating sa Jinan County nitong ika-sampu ng Marso ang unang batch ng re-entry Farmers para sa 2026 sa ilalim ng Seasonal Workers Program.

β€ŽBinubuo ang grupo ng 10 magsasaka mula sa Isabela, kabilang ang apat na babae at anim na lalaki.

β€ŽSa kabuuang bilang, isang magsasaka ang nasa ikalawang kontrata, apat ang nasa ikatlo, dalawa ang nasa ikalima, at tatlo naman ang nasa ika-anim na kontrata sa programa.

β€ŽAyon sa ulat, pinaboran ang kanilang pagbabalik matapos silang irekomenda ng kanilang mga dating landowner dahil sa maayos na trabaho, disiplina, at pagiging maaasahan.

β€ŽDahil dito, muling nabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na makapagtrabaho sa sektor ng agrikultura sa Jinan County sa South Korea.

Facebook Comments