
Arestado ang dalawang kabataang lalaki matapos mahuli sa aktong nagtataglay ng hinihinalang marijuana sa isinagawang police response operation ng Bayambang Municipal Police Station (MPS).
Kinilala ang mga suspek na isang 19 anyos na walang trabaho at isang 18 anyos na laborer, kapwa residente ng Bayambang.
Ayon sa ulat, madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang pulisya sa kapitan ng Barangay Ligue, hinggil sa dalawang kahina-hinalang lalaki na umano’y nag-iwan ng plastik na sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng marijuana sa tabi ng kanyang bahay.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bayambang MPS sa lugar, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na nahuling may hawak na dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng tuyong dahon na hinihinalang marijuana.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang marijuana at iba pang non-drug evidence.
Dinala ang mga naaresto at ang mga nakuhang ebidensya sa Bayambang Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










