
Cauayan City – Arestado ang isang 19-anyos na estudyante sa Brgy. San Francisco, San Manuel, Isabela dahil sa pagkakasangkot sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act kahapon, ika-19 ng Enero.
Sa pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang unit ng PNP sa pangunguna ng tracker team ng San Manuel Police Station, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Mael”, estudyante, at residente ng nabanggit na lugar.
Ang nasabing Warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu noong ika-9 ng Disyembre taong 2025 ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 23, Roxas Isabela.
Ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 o Republic Act No. 9995 ay batas sa Pilipinas na nagbabawal sa lihim o walang pahintulot na pagkuha, paggamit, at pagpapakalat ng litrato o video na may kinalaman sa pribadong bahagi ng katawan o sekswal na gawain ng isang tao.
Samantala, mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng Php42,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng San Manuel Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ibalik sa korteng may hawak ng kaniyang kaso.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









