𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗥𝗘𝗗𝗘𝗠𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

 

Cauayan City – Nagsagawa ng Food Redemption Activity ang DSWD Region 2 para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa mga bayan ng Palanan, Maconacon, at Divilacan, Isabela.

Ito’y upang makatulong sa mga pamilyang kabilang sa programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain, lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa suplay ng pagkain dahil sa kanilang lokasyon.

Layunin ng Walang Gutom Program na matulungan ang mga benepisyaryo na makabili ng sapat at masustansiyang pagkain, gayundin na matugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente sa mga ahensyang nagpatupad ng programa at umaasa silang magpapatuloy pa ang ganitong uri ng mga proyekto para sa kapakanan ng mga komunidad sa malalayong lugar ng lalawigan.

Facebook Comments