π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§, π—£π—œπ—‘π—”π—¦π—œπ—‘π—”π—¬π—”π—”π—‘

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naiturn-over at napasinayaan ang Health Center Project ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program kabilang ang iba nilang proyekto sa Brgy. Villa Bello, Jones, Isabela.

Ang inagurasyon ay dinaluhan ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno para sa ribbon cutting at turn-over ceremony ng health center at birthing facility.

Bukod dito, nabiyayaan din ng proyektong farm to market road ang nasabing barangay kung saan isang milyong piso ang inilaang badyet para rito.


Tampok rin sa programa ang pagbibigay pugay sa mga stakeholders para sa mga proyektong isinagawa para sa mga mamamayan ng Jones.

Samantala, ang. SBDP ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng gobyerno sa mga malalayong lugar upang makapagbigay sebisyo at tulong sa pagpapaunlad sa kanilang estado ng pamumuhay.

Facebook Comments