
Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deadline ng paghahain ng 2025 Annual Income Tax Return.
Ayon sa pangulo, mula sa dating deadline na April 15, inilipat ito hanggang May 15, 2026, para mabigyan ng dagdag na panahon ang mga taxpayer na maihanda nang maayos ang kanilang mga dokumento.
Wala rin aniyang ipapataw na penalty sa loob ng pinalawig na panahon.
Maaaring mag-file at magbayad gamit ang electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue (BIR), o sa mga Authorized Agent Banks.
Layon nitong pagaanin ang pasanin ng mga Pilipino, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin.
Facebook Comments










