Wednesday, April 15, 2026

Senador, hinikayat ang pamahalaan na magsagawa ng “rescue buy” sa ani ng mga magsasaka

Hinimok ni Loren Legarda ang pamahalaan na ipatupad ang “rescue buy” o ang pagbili ng sobrang ani ng mga magsasaka na lubhang apektado ng oil crisis.

Kamakailan, nanguna ang senadora sa isang rescue buy initiative sa Cagayan kung saan binili ang isang toneladang repolyo na labis na ani ng mga magsasaka. Ipinamahagi naman ito sa mga pamilya sa Barangay Payatas.

Mungkahi ni Legarda na sa halip na masayang ang pagkain dahil hindi na ito maibenta dulot ng mataas na presyo ng krudo, dapat bilhin na lamang ng pamahalaan ang ani at sagutin ang gastos sa transportasyon.

Aniya, isa itong praktikal na subsidiya na makatutulong hindi lamang sa mga magsasaka kundi maging sa mga mamimili sa gitna ng krisis.

Dagdag pa ng senadora, ang rescue buy ay bahagi ng pagsusulong ng zero food waste, suporta sa sektor ng agrikultura, at pagpapakita ng malasakit sa mga komunidad.

Facebook Comments