Tuesday, April 14, 2026

May-ari ng barko na nakumpiskahan ng P9.5-M halaga ng diesel na ilegal na binebenta sa Navotas City, tukoy na

Tukoy na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang may-ari ng barko na nakumpiskahan ng P9.5 milyong halaga ng diesel na ilegal na binebenta sa Navotas City.

Ayon kay HPG Spokesperson Nadame Malang, isa itong negosyante at dalawang taon na niyang ginagawa ang nasabing aktibidad.

Dagdag pa niya, humihingi na rin sila ng certification mula sa Department of Energy (DOE) para malaman kung awtorisado na mag-distribute sila ng produktong petrolyo pati na rin ang lugar o fishport na pinuntahan ng nasabing operasyon.

Kaugnay nito, hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Malang bukod sa isa itong Pilipinong negosyante dahil sa nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigayon ukol dito.

Samantala, nasampahan na ng kaso ang siyam na indibidwal na nahuli sa nasabing operasyon at sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa bilang 33 o Illegal Trading and Hoarding of Petroleum Products.

Hindi naman inaalis ng HPG ang posibilidad ng koneksyon ng ilegal na operasyon ng langis sa Laguna at Navotas City.

Facebook Comments