
βCauayan City – Inilabas ng Isabela I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) ang bagong power rates para sa buwan ng Enero ngayong taon.
β
βNaitala ang residential rate sa Php 8.7764 kada kWh, Php 7.9267/kWh para sa low voltage, at Php 6.0822/kWh para sa high voltage consumers.
β
βAyon sa kooperatiba, bumaba ang generation cost ng Php 0.0685/kWh bunsod ng mas mababang presyo ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), kasama ang pagbaba ng system loss rate na Php 0.0083/kWh.
β
βGayunman, nilinaw ng ISELCO-I na ang mga pagbabago sa ibang bahagi ng singil sa kuryente ang nakaapekto sa kabuuang power rate para sa buwan.
β
βPatuloy umanong maapektuhan ang transmission charges na dulot ng mga aprubadong adjustments ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
β
βDahil dito, nananatili sa Php 1.3233/kWh ang average transmission rate na sinisingil simula pa noong Hulyo 2025.
β
βDagdag pa rito, ipinatupad na rin ang Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) at Green Energy Auction Allowance (GEA-All) charges ngayong Enero 2026, na layong pondohan ang mga renewable at green energy projects sa bansa.
β
βPaalala ng ISELCO-I na maaaring magbago ang kabuuang power rate depende sa mga lokal na buwis na ipinapataw ng mga lokal na pamahalaan.
β
βSource: ISELCO-1
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan









