𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗦𝗣𝗔𝗦

Dagsa ang ilang mga simbahan sa Pangasinan ng mga debotong Katoliko bilang pakikiisa sa Palm Sunday at hudyat ng simula ng Kwaresma.

Sa Dagupan City, dagsa ang St. John The Evangelist Cathedral, maging ilan pang local churches sa bawat barangay ng lungsod ng mga residente dala ang kanilang mga palaspas upang basbasan.

Ang Linggo ng Palaspas ang unang araw ng Semana Santa bago ang Pasko ng Pagkabuhay o paggunita sa matagumpay na pagpunta ni Hesukristo sa Jerusalem.

Nasa 20 hanggang 30 pesos naman ang benta sa palaspas depende sa disenyo.

Samantala, nakaantabay na rin ang hanay ng kapulisan at ilan pang law enforcement agencies sa nalalapit na obserbasyon ng Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments