
Cauayan City – Matapos ang matagal na panahong paghihintay, sinimulan na ang pagbabakbak sa sementado ngunit lubak-lubak na kalsada sa Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, Isabela.
Ito ay ang unang hakbang sa pagsisimula ng Road Restoration Project o ang pag-aayos ng kalsada sa nabanggit na barangay.
Sa panayam ng IFM News Team kay Dennis Dela Cruz, kapitan sa nabanggit na barangay, sinabi nito na ikinatutuwa niya na isang linggo matapos ang panayam ng 98.5 IFM Cauayan sa kanya tungkol sa isyu ng kalsada, kaagad na umaksyon ang may hawak ng proyekto upang simulan na ang pag-aayos rito.
Aniya, laking pasalamat niya sa LGU Cauayan dahil napabilang ang kanilang barangay sa nilaanan ng pondo para sa pag-aayos ng kalsada.
Katulad ng nabanggit ng kapitan unang panayam ng IFM News Team sakanya, muli nitong binagyang-diin ang positibong epekto ng nabanggit na proyekto sa mga residente partikular na sa mga magsasaka oras na ito ay matapos.
Sa ngayon, wala pa namang mabigat na daloy na trapiko sa lugar subalit inaasahan na kapag nagsimula na ang excavation ng nabakbak na semento ay posibleng isara ang daan.
Dahil dito, isa sa kanyang nais matutukan ay ang pagkakaroon ng maayos na alternative traffic route para sa mga biyahero bago pa man tuluyang simulan ang pagsesemento ng daan.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










