2 lugar sa Mindanao, magkasunod na niyanig ng lindol kaninang madaling araw- PHIVOLCS

Magkasunod na niyanig ng lindol ang Jose abad Santos, Davao Occidental at Burgos, Surigao del Norte kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, bandang ala 1:11 AM ng itala ang magnitude 4.1 earthquake sa Jose Abad Santos.

Paliwanag ng Phivolcs ,ang paggalaw ng lupa ay aftershock sa naunang malakas na magnitude  6.4 na lindol noong September 29.


Sa karagatang bahagi ang sentro ng lindol na may layong 142 kilometers sa Silangang bahagi ng Jose Abad Santos.

Samantala, bandang alas 2:28 naman ng yanigin ng magnitude 4.2 earthquake ang Burgos sa Surigai del Norte.

Hanggang kaninang pasado alas 4:00 ng madaling araw ay may mga naitatala pa ang Phivolcs ng mga mahihinang aftershocks sa dalawang lugar na nilindol.

Wala namang ulat na may pinsala sa  kambal na pagyanig.

Facebook Comments