
Ililibre na sa mga taga Barangay Tapuac Dagupan City ang mga Barangay Clearance sa mga ka Barangay na kukuha nito.
Ito ang inanunsiyo ni Barangay Tapuac Elect Sidney Lomboy sa naging panayam ng IFM Dagupan.
Aniya, nitong mga nakalipas na mga administrasyon sa nasabing Barangay ay may mga binabayaran na โฑ150 o kaya naman ay โฑ100 pesos.
Kawawa aniya ang mga residente na kukuha ng Barangay Clearance lalo na kadalasan sa mga ito ay wala pang trabaho.
Ang paglilibre ng Barangay Clearance ay isa lang aniya sa mga proyekto niya sa kanilang Barangay pagkaupo nito sa pwesto. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ
Facebook Comments