𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 ₱𝟮𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa halos dalawandaang libong piso na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang katao sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Adriano Melecio at Mark Anthony Coquia parehong residente ng nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas dose ng hating-gabi sa Barangay Lucao na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170,000.

Ito ang pangalawang sunod na bigtime buy bust operation ng mga awtoridad sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments