𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang singkwenta y tres anyos na cellphone technician matapos itong masangkot sa aksidente sa bayan ng Binalonan.

Ang biktima ay nakilalang si Rodolfo Trinidad residente na Lalawigan ng Nueva Ecija.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Barangay Sumabnit pasado alas dose ng hating-gabi nang mabangga ng motor ng biktima ang isang tumatawid na pusa dahilan upang matumba tumilapon ito.

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan upang malapatan ng paunang-lunas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments