𝗧𝗪𝗢 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗩𝗜𝗗, 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Nasunog ang isang 2-storey na bahay sa may bahagi ng Barangay David, Mangaldan, nitong ika-7 ng Enero.

Ayon sa report, sumiklab ang sunog pasado alas-sais ng gabi, na naapula rin agad bandang 7:45.

Diumano, ang sunog ay mabilis kumalat dahil gawa ang naturang bahay sa mga light materials.

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan, wala namang naitalang casualty sa nangyaring insidente, at patuloy pa ring gumugulong ang imbestigasyon ukol sa pinagmulan ng naganap na sunog.

Samantala, agarang naghatid ng tulong ang lokal na pamahalaan ng bayan at ng nasabing barangay sa mga nasunugan.

Ayon sa datos ng BFP, nasa 11 kaso na ang naitalang sunog sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan nitong unang linggo ng taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments