π—–π—’π— π— π—¨π—‘π—œπ—§π—¬ 𝗒𝗨𝗧π—₯π—˜π—”π—–π—› 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š 𝗑𝗩𝗣𝗣𝗒

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ni PCOL Camlon P. Nasdoman, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang Community Outreach Program na isinagawa kahapon, ika-1 ng Hunyo, sa Brgy. Lublub, Alfonso CastaΓ±eda, Nueva Vizcaya.

Umabot naman sa 480 PNP dependents at constituents ang naging benepisyaryo ng naturang programa.

Nagpaabot din ang kapulisan ng serbisyo katulad ng Medical at dental Check-up, bunot ng ngipin, libreng gupit at tuli.


Bukod sa mga ito, mayroon ding pagbibigay ng mga school supplies, tsinelas, feeding, at libreng ice cream.

Nagkaroon din ng pag-aaral tungkol sa Gender-Based Violence at Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Facebook Comments