𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧

Dalawang malalaking paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang nakatanggap ng Bomb Threat.

Unang binulabog ng Bomb Threat nitong linggo ng gabi ang Mangaldan National High school sa bayan ng Mangaldan.

Si Mangaldan Councilor Aldrin Soriano ang pinuntirya ng nasabing Bomb Threat kung saan ay agad itong siniyasat at sa kabutihang palad ay negatibo naman nito.

Sunod na nakatanggap ng Bomb Threat ang Pangasinan national High school sa bayan ng Lingayen pasado alas nuebe ng Umaga kung saan ay sinasabing galing sa Isang dummy Facebook account ang nagmessage sa Municipal Information Office ng bayan.

Agad naman itong inaksiyunan at agad na sinuspende ang pasok ng mga estudyante upang masiyasat ang bisinidad ng nasabing paaralan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing mga insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments