𝗠𝗔𝗗𝗜𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗣𝗣𝗜𝗟, 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Hindi na matatakot pa ang mga residente ng Brgy. Sinippil dahil magliliwanag na ang kanilang lansangan dahil sa mga streetlights.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Rubilyn Sagun, dalawampu’t limang streetlights sa kanilang mga lansangan kung saan halos apat na daang libong piso ang inilaang budget para rito.

Aniya, inaasahang maikakabit ang mga streetlights bago sumapit ang kanilang kapistahan na gaganapin sa ika-6 ng Hunyo.


Dagdag pa niya, layunin ng proyekto na bigyang liwanag ang kanilang kalsada upang mapanatag ang kalooban ng mga residente pagsapit ng gabi.

Samantala, bukod sa streetlights ay kasalukuyan naman ang konstruksyon ng kanilang multi-purpose hall at aasahang matatapos ito ngayon taon.

Facebook Comments