Cauayan City – Inilunsad ng Divilacan Police Station ang kanilang programang “Hope on Wheels” sa Brgy. Dimapula kahapon, ika-11 ng Marso na layong maghatid ng tulong sa mga residente.
Sa nabanggit na programa, namahagi ng mga food pack ang mga Police personnels ng Divilacan Police Station sa ilang residente ng nabanggit na barangay.
Layunin ng programa na makapaghatid ng tulong at mga pangunahing pangangailangan sa ilang piling residente ng barangay. Bukod dito, hangad din ng aktibidad na mas mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad.
Ayon sa pulisya, bahagi ang inisyatibong ito ng patuloy na adbokasiya ng Philippine National Police na magbigay-serbisyo sa mamamayan at paigtingin ang police-community partnership para sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan.
Source. PNP DIVILACAN










