𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗟𝗜𝗠𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗧-𝗔𝗡𝗗-𝗥𝗨𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang limang kaanak nito matapos silang mabangga ng isang umano’y van sa bayan ng Sta. Barbara.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Tebag East pasado alas onse ng gabi kung saan ay isa sa sakay ng tricycle ang biktima na nakilalang si Marjorie Valencia.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng tricycle na sinasakyan ng biktima kasama ang lima pang kaanak ang nasabing daan ng ito ay mabangga sa likod ng nasabing van dahilan upang tumilapon ang mga ito at magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima habang patuloy pa na inoobserbahan ang mga kasamahan nito.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng driver ng van na nakabangga sa mga ito na sinasabing tumakas matapos ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments