𝗜𝗦𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival sa pagamutan ang 58 anyos na mangingisda na si Mario Quinto mula Brgy. Lucao, Dagupan City matapos bumangga sa isa pang motorsiklo na papunta namang Binmaley.

Lumalabas sa imbestigasyon ng awtoridad na madaling araw nang binabaybay ng dalawang motor na may magkasalungat na direksyon ang kahabaan ng Brgy. Lucao, Dagupan City nang bigla na lang kinain ng motor na minamaneho ni Quinto ang linya na tinatahak ni Anthony Bancod at backride nitong si Michael Daysa.

Parehong nakasuot ng protective helmet sina Bancod at Daysa samantalang wala namang suot si Quinto.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawa samantalang binawian na ng buhay nang dumating sa pagamutan si Quinto.

Kasalukuyang inihahanda ang kaso na kakaharapin ng driver ng isa pang motorsiklong sangkot sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments