
β
βCauayan City – Arestado ang isang lalaking umano’y nanakit ng hayop sa Brgy. Labinab, Cauayan City, kahapon ika-6 ng Enero.
β
βAyon sa ulat ng Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Mundo”, 46-anyos, residente ng nabanggit na barangay.
β
βAng pagkakaaresto ng suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya dahil kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act, matapos ang umano’y pananakit sa isang aso.
β
βMayroon namang inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P6,000 ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
β
βSa kasalukuyan, nasa kustodiya pa rin ng Cauayan City Police Station ang suspek.
β—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










