𝗧𝗥𝗘𝗦𝗘 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang trese anyos na binatilyo sa bayan ng Villasis.

Ayon sa imbestigasyon nagpunta ng Agno River sa nasabing bayan ang biktima upang maligo pasado ala una ng hapon.

Bigla na lang umanong nakatanggap ng tawag ang nanay nito na nalunod na ang biktima at dinala sa pagamutan doon.

Kinalaunan ay dinala sa Region 1 Medical Center ang biktima subalit namatay ito habang ginagamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments