𝗪𝗔𝗜𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗕𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pnp sa pagkakakilanlan ng mga suspek na nasa Likod ng pagbaril patay sa Isang bente nuwebe anyos na lalaki sa Urdaneta City.

Ang biktima ay nakilalang si Jason Bourbon Tubong Caloocan city at naninilbihan bilang waiter sa isang bar sa Barangay Sto Domingo sa nasabing Lungsod.

Ayon sa imbestigasyon naglalakad papunta sa kanyang trabaho ang biktima pasado alas singko ng hapon nang ito ay sundan ng dalawang katao at agad na pinaulanan ng bala na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay habang agad naman tumakas ang mga salarin gamit ang Isang getaway motorcycle.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at maging motibo ng pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments