𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘

Cauayan City – Basag ang salamin ng mobile patrol ng Cauayan City Police Station matapos na mabangga g isang single motorcycle pasado ala-una ng madaling araw ngayong araw, ika-2 ng Enero.
Ayon sa ulat, bago ang insidente ay rumesponde umano sa isang aksidente sa lansangan ang kapulisan sakay ang nabanggit na mobile patrol at kanila itong ipinarada sa gilid ng kalsada.
Habang nakaparada, hindi inaasahang nabangga ng isang single motorcycle na minamaneho ng driver na kinilalang si “Jonathan” ang likurang bahagi nito.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng head injury si “Jonathan” na kaagad naming dinala sa pagamutan upang lapatan ng agarang lunas, habang nabasag naman ang salamin ng likurang bahagi ng Police mobile.
Sa pinakahuling ulat, nakatakda naman umanong ipaayos ni alyas “Jonathan” ang sirang natamo ng nabanggit na mobile patrol.
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments