𝗣𝗜𝗡𝗧𝗢𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

Cauayan City – Arestado ang isang pintor na umano’y na tulak ng ilegal na droga sa Lungsod ng Santiago nitong ika-2 ng Enero taong 2026 sa Purok Nieto, Brgy. Batal, Santiago City.
Sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Will” matapos makuha sa kanyang pagiingat ang 1 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang Shabu na may tinatayang timbang na 1.4 grams.
Ang nabanggit na kontrabando ay tinatayang nagkakahalaga ng P9,520.00.
Dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, mahaharap ngayon sa kasong palabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek.
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments