Wednesday, February 18, 2026

𝗣𝗡𝗣 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗜𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗖𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧

Cauayan City – Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, pinaiigting ng San Agustin Municipal Police Station sa ilalim ng Isabela Police Provincial Office ang anti-criminality checkpoint operation sa mga pangunahing lansangan ng bayan.
 
Layunin ng naturang checkpoint na hadlangan ang pagpasok at paglabas ng mga indibidwal na sangkot sa ilegal na gawain, kabilang ang illegal drugs, loose firearms, carnapping, at iba pang uri ng krimen.
 
Mahigpit ngunit maayos na ipinatupad ng mga pulis ang inspeksyon sa mga sasakyan alinsunod sa umiiral na batas at may paggalang sa karapatang pantao.
 
Bukod sa pagpapatupad ng batas, nagsilbi rin itong pagkakataon upang paalalahanan ang mga motorista hinggil sa pagsunod sa traffic rules and regulations at kahalagahan ng kooperasyon sa kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
 
Patuloy ang panawagan ng kapulisan sa publiko na makiisa at agad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sa sama-samang pagkilos ng pulisya at mamamayan, mas pinatitibay ang seguridad at kaligtasan ng buong bayan ng San Agustin.
 
————————————–
 
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
 
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments