
Cauayan City – Puspusan ang isinagawang monitoring at evaluation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga sanitary landfill at waste management facilities ng iba’t ibang bayan sa lalawigan, katuwang ang Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO).
Ayon sa PNREO-Cagayan, sampung bayan ang personal na binisita at nasuri ng kanilang mga kawani, kabilang ang Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Buguey, Lal-lo, Aparri, Sta. Ana, Gonzaga, at Camalaniugan.
Kasama rin sa inspeksiyon ang mga waste management facilities ng mga district hospital upang matiyak ang wastong pangangasiwa ng basura sa mga pasilidad pangkalusugan.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act of 2000, bilang bahagi ng pagsusulong ng administrasyong panlalawigan ng mas malinis at maayos na kapaligiran.
📸: Photo credit: Cagayan PIO
——————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










