Cauayan City, Isabela- Naglunsad ng programa para sa mga dating kasapi ng New Peopleโs Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan ang pamunuan ng 95th Infantry โSalaknibโ Battalion sa pamumuno ni LTC Gladiuz Calilan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni SSg Jake Lopez ng 502nd Infantry โLiberatorโ Brigade sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya sa programang Sentro Serbisyo.
Sinabi ni SSg Lopez na matapos mabatid ng Salaknib troopers ang mga rebelasyon ng mga sumukong rebelde ay agad na bumuo at inilunsad ang Salaknib Basic Education Team o SABET sa pangunguna ni 2Lt Trisha Pascua na nakapagtapos ng kursong Edukasyon.
Layunin ng programang ito na turuang magbasa, magsulat at magbilang ang mga katutubo na dating nilinlang ng mga NPA.
Ayon umano sa naging pahayag ng mga nagbalik-loob gaya ni Ka Jimboy na isang menor de edad, nangako umano ang mga naghikayat na NPA na sila ay bibigyan ng edukasyon kung sila ay sasapi sa kanilang pangkat na taliwas aniya noong sila ay nasa kilusan na.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga katutubong Agta sa militar dahil sa tulong at prebelihiyong muli silang makapag-aral.
Kaugnay dito, nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng 95th IB sa tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon upang isama ang mga dating NPA sa pagbubukas ng klase saa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).