Ipapatupad sa ika-15 Marso ang muling pagbubukas sa two-way traffic scheme sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City.
Kinumpirma ito ni City Engineer Josephine Corpuz matapos ang isinagawang ocular inspection sa patuloy na elevation ng mga kalye sa bahagi ng Arellano St., AB Fernandez West at MH Pilar St. kasama si City Mayor Belen Fernandez.
Matatandaan na nagbigay o nagtakda ng araw kung kelan matatapos ng mga kontraktor ang mga proyektong pagtataas sa mga kalsada at drainage sa mga nabanggit na lugar kung saan base sa kalendaryong ibinigay ng Department of Public Works and Highways na sa ika-15 ng Marso matatapos ang konstruksyon sa bahagi ng AB Fernandez West, ika-30 ng Marso matatapos ang bahagi ng Arellano St.
Habang ika-15 naman ng Abril matatapos ang konstruksyon sa bahagi ng M.H. Del Pilar St.
Sa ngayon, iisang daanan o one-way traffic scheme ang umiiral sa Arellano St. na papuntang Bonuan Bound.
Samantala, nanawagan ang alkalde sa mga negosyante at mag-aaral na pahabain pa ang kanilang pasensya habang papasok na sa huling yugto ng konstruksyon ang proyektong kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨