
βCauayan City – Pitong katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang military helicopter sa Qatar, ayon sa mga awtoridad.
β
βNatagpuan ang lahat ng bangkay matapos ang insidente na naganap sa territorial waters ng bansa nitong Linggo.
β
βBatay sa paunang ulat, sanhi umano ng βtechnical malfunctionβ ang pagbagsak ng helicopter habang ito ay nagsasagawa ng training exercise. Kabilang sa mga sakay ang apat na sundalong Qatari, isang Turkish serviceman, at dalawang technician mula sa Aselsan.
β
βAyon sa Ministry of Interior Qatar, agad na na-recover ang mga labi ng mga biktima at nagpahayag sila ng pakikiramay sa mga naulila.
β
βSamantala, kinumpirma ng defense ministry ng Turkey na bahagi ng joint training ng Qatar-Turkey forces ang naturang operasyon.
β
βPatuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente.
β
βNangyari ang insidente kasabay ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa nagpapatuloy na sagupaan na kinasasangkutan ng Iran, Israel, at United States.
β
βPhoto credit: AL JAZEERA










