MGA KARATIG-BAYAN NG MANAOAG, DAGDAG PWERSA SA CROWD CONTROL AT EMERGENCY RESPONSE SA DARATING NA CENTENNIAL CANONICAL CORONATION

Inaasahang makikilahok ang mga karatig-bayan ng Manaoag sa nalalapit na ika-100 Canonical Coronation ng Our Lady of Manaoag sa Abril 22 upang magbigay ng karagdagang tulong sa pagpapanatili ng seguridad at pagbibigay ng emergency response.

Ito ay matapos ang isinagawang coordination meeting noong Marso 18 kung saan kabilang ang mga MDRRMO personnel sa mga karatig-bayan na tututok sa crowd control at traffic management sa mismong araw ng selebrasyon.

Bukod dito, may itinalagang medical teams upang suportahan ang limitadong health resources katuwang ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter at Region 1 Medical Center.

Kabilang din sa deployment ang mga responder na iko-coordinate ng Office of the Civil Defense Regional Office, kasama ang mga volunteer na ilalagay sa mga critical locations.

Samantala, inanunsyo ng lokal na pamahalaan sa publiko na umantabay sa ilalabas na abiso sa mga susunod pang kaganapan ukol sa malakihang pagtitipon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments