1 Lider at 3g miyembro ng CPP-NPA arestado ng PNP sa isang hospital sa San Juan

Kinumpirma ni San Juan City Police Chief P/ Col. Jaime Santos na mataas na lider ng CPP NPA ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group at San Juan PNP sa isang Hospital sa lungsod kagabi.

Ayon kay Col. Santos nagpapagamot sa Cardinal Santos Medical Center si NPA lider Jaime Padilla ng ito ay matunton batay sa impormasyong nakuha ng mga otoridad.

Sa record ng San Juan City Police si Padilla ay tinatayong tagapagsalita ng NPA Southern Tagalog at miyembro ng National Information Bureau ng CPP Central Comittte.


Nabulaga si Padilla at tatlo pa nitong Aid ng pasukin ito ng pulisya sa Emergency Room ng Cardinal Santos.

Sa imporamsyon ni Col Santos initially ay wala namang nakuhang mga armas sa naarestong mga miyembro ng CPP NPA.

Dinala si Padilla sa CIDG Kampo Krame para maimbestigahan

Facebook Comments