Altavas, Aklan – Isa ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod kahapon sa bayan ng Altavas, Aklan.
Ang unang insidente ay nangyari mga bandang alas 3:00 ng hapon sa ilog na sakop ng Brgy. Poblacion, Altavas kung saan ang biktima ay kinilalang si Marlon Alisasis, 27-anyos ng nasabing lugar.
Sa report ng Altavas PNP ay matapos nila matanggap ang report ay agad silang rumisponde sa lugar pero na revive na ang biktima at dinala sa Altavas Hospital at nong huli ay inilipat sa Aklan Provincial Hospital.
Samantala, ang ikalawang insidente ay nangyari mga bandang ala 5:40 ng hapon sa Brgy. Linayasan sa nasabi ring bayan.
Ang biktima ay kinilalang si Rolly Nuneza Lerdon, 67-anyos at residente ng Sitio Agingay, Linayasan.
Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga kapulisan na papauwi na ang biktima galing sa isang kubo sa gitna ng palaisdaan kung saan nag-inuman ito at pinaniniwalaang nahulog ito.
Nalaman lamang na nalunod ang biktima matapos makita ito na lumultang ng isang napadaan sa lugar.
Agad na iniahon ang biktima at tumawag ng mga taga MDRRMO kung saan sinubukan pa nilang i-revive pero hindi na ito nag re-response.
Dinala pa nila ito sa hospital pero idineklarang dead on arrival ng kanyang doktor.
Ang nasabing mga insidente ay kasabay rin ng selebrasyon ng San Juan kahapon
1 patay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod kahapon sa bayan ng Altavas
Facebook Comments