PARA MASIGURO ANG EPEKTIBONG PAMAMAHALA AT IMPLEMENTASYON NG NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM SA BAYAN NG KALIBO, KOMPREHENSIBONG TRAINING ISINAGAWA

Kalibo, Aklan – Matagumpay na nakumpleto ng Provincial Health Office PHO-Aklan ang provincial training para sa Basic EPI Skills, Logistics, Cold Chain Management and Reaching Every Purok (REP) Strategy sa bayan ng Kalibo. Ang komprehensibong pagsasanay na ito ay para mas pang pagandahin ang kaalaman at kasanayan ng mga dedikadong nurses at midwives tungo sa epektibong pamamahala at implementasyon ng National Immunization Program sa nasabing bayan. Pinasalamatan naman ng PHO-Aklan ang mga resource persons sa nasabing training na sina Dr. Jose Martin Atienza ng Department of Health-Center for Health Development DOH-CHD6, Ms. Sharmaine Samoro mula sa Provincial Office ng Capiz, Mr. Joseph Loterio mula sa UNICEF at iba pa.
Facebook Comments