CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga miyembro ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang construction worker sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon ng hapon sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan.
Ang suspek ay kinilalang si Niko Remulla alyas “muta”, 26-anyos at residente ng Purok 5, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.
Inaresto si Remulla matapos na makuha sa kanyang possession at control ang 16 na plastic sachet ng suspected shabu na nakabalot sa kaha ng sigarilyo at wallet at buy-bust money na P 3,100.00.
Ayon kay PMaj. Frensy Andrade head ng PDEU-Aklan na si Remulla ay maituturing na street level personality ang ang supply nito ay mula sa New Bilibid Prison.
Mahaharap naman ito sa paglabag sa Sec. 5 at 11 at kung magpositibo pa ito sa drug test ay mahaharap rin sa paglabag sa Sec. 15 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Facebook Comments