PRODUKSYON NG PALAY SA WESTERN VISAYAS, BUMABA NG 2.8% SA UNANG QUARTER NG 2024

Kalibo, Aklan – Bumaba ng 2.8% ang produksyon ng palay sa Western Visayas sa unang quarter ng 2024.
Tinatayang aabot lang sa 648,136 metriko tonelada ang produksyon ng palay sa unang quarter ng 2024 na mas mababa ng 18,885 metriko tonelada o 2.8% sa 667,021 metriko tonelada na naitala sa kaparehong quarter noong 2023.
Ito ay base sa inilabas na tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) VI.
Maliban dito, tinatayang aabot sa 206,268 na hektariya ang total area harvested sa unang quarter ng 2024 na mas mataas naman ng 1.9% kung ikumpara sa 202, 370 na hektariya sa kaparehong period ng nakaraang taon.
Samantala, ilang bayan at probinsya na sa ngayon ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa grabeng pinsala sa mga palayan dulot ng tag tuyot na dala ng El Niño phenomenon.
Facebook Comments