Paparating na naman ang buwan ng Pebrero. Tiyak na maraming mga tao ang naghahanda na kasama ang mahal sa buhay sa Valentines day. Naghahanap ka ba ng romantic places kung saan pwede mong dalhin ang special love one mo?
Narito ang top 10 best romantic restaurant sa Metro Manila na pwede niyong puntahan.
Romantic date with a twist ba ang hanap mo? Bumalik sa nakaraan at damhin ang ethnic vibes sa Tribu Babaylan Restaurant. Pinoy delicacy ang kanilang inihahain at tiyak na magugustuhan niyo ang instagrammable place na pinagsamang makaluma at makabagong Filpino Culture.
Makikita ang Tribu Babaylan sa Timog Avenue, Quezon City.
Gustong mag-celebrate pero nagtitipid? Punta na sa Primera Restobar. Sa halagang 299 pesos, mabubusog ka sa sarap at mura ng affordable unli food na ito. Iba’t iba ang inaalok na package nila depende kung ilang oras ang nais mong piliin. Kasama sa unli food ang unli pork samgyupsal, pasta, coffee, wings, pizza, burger at marami pang iba. May KTV rooms din sila para mas enjoy ang kainan dahil may kantahan.
Makikita ang Primera restobar sa Kamuning, Quezon City.
Gustong pumunta sa Bataan para dalawin ang Las Casas? Worry no more! Dahil nasa Manila na ang Las Casas. Tiyak na maeenjoy niyo ang Spanish delicacy na kanilang inihahain. Bukod sa masarap na pagkain, pwede rin kayong mamasyal sa buong lugar ng Las Casas. Mamangha kasama ang special love one mo sa ganda ng flooring, interior at detalye ng buong Las Casas.
Perfect ang restaurant na ito sa romantic places na pwede niyong puntahan. French-Meditteranean delicacy ang inihahain nila. Bukod sa masasarap ang pagkain, the best din mismo ang lugar at buong dining restaurant. Para ka lang ding kumain sa luma ngunit eleganteng restaurant. Bagay sa date night niyo ang restaurant na ito.
- Cafe Juanita
Filipino delicacy rin ang inihahain sa Cafe Juanita. Swak sa mga gusto ng casual pero romantic date na couple. Instragrammable rin ang buong lugar na pwedeng-pwede kayong mag photo OP.
- Cassalu Coffee & Kitchen
I-celebrate ang Valentines day sa Cassalu Coffee & Kitchen kung saan tiyak na magugustuhan niyo ang limited edition dream cakes nila na kasing tamis ng inyong pagmamahalan. Bukod dito, marami pang masasarap na putahe ang inyong matitikman sa bagong bukas na restaurant na ito. Affordable rin ang mga pagkain kaya’t masusulit ang pagpunta rito. Makikita ang Cassalu Coffee & Kitchen sa Ayala Mall Feliz, 5th floor.
Kung gusto mo namang dalhin sa isang elegante at mamahaling buffet restaurant ang special love one mo, isang best restaurant ang Spiral na matatagpuan sa Sofitel Manila. Bukod sa masasarap na pagkain, maeenjoy niyo rin ang magandang interior at pailaw sa loob ng restaurant. The best dito ang 350 international dishes na kanilang inihahain.
- Atelier Vivanda Manila
Swak din sa romantic restaurant ang Atelier Vivanda Manila na matatagpuan sa forbes Town, Bonifacio Global City. Kung meat lover ka, tiyak na maeenjoy mo ang super fresh at masasarap na delicacy ng premium steaks dito.
- Tito’s Fil-Mex
Kung mahilig naman kayo sa Mexican delicacy, ito ang nababagay na restaurant sa inyo, ang Tito’s Fil-Mex na makikita sa Ayala Mall Feliz. Hindi mo na rin kailangang mag-alala sa Filipino foods dahil pinaghalong Filipino-Mexican food ang inihahain nila. Tiyak na magugustuhan niyo ang Tito’s Fil-Mex.
Romantic resto kung saan pwede kang mag relax at tumakas sa magulong mundo? Ito ang perfect resto para sa inyo. French delicacy na isinabubuhay ang era of cultural refinement at social elegance ang bibida sa inyo. Tikman din ang ilan sa pinakamasasarap na pagkain na dito niyo lang matatagpuan.
Article written by Mickaella Pellobello