10 employer sa Pangasinan, binigyan ng notice of compliance ng SSS

10 employer sa Dagupan City at bayan ng Calasiao sa Pangasinan ang binigyan ng notice of compliance ng Social Security System (SSS) dahil sa hindi pagpaparehistro ng kanilang negosyo, non-remittance ng kontribusyon sa SSS, at non-production ng records.

Ayon kay SSS Dagupan Branch Manager Primitivo Verania, Jr., nasa ₱1.7 million ang combined delinquency at penalty ng 10 employers na personal na binisita ng mga opisyal ng SSS Luzon Central One upang ipaalala sa kanila ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga empleyado.

Tinatayang nasa 150 na empleyado ang apektado sa hindi pagsunod ng 10 employer sa kanilang responsibilidad base sa Republic Act No. 11199.


Samantala, sinabi ni SSS Luzon Central I Vice President Vilma Agapito, bibigyan ng 15 araw ang mga employer na mag-settle ng kanilang delinquency sa SSS mula sa araw na kanilang natanggap ang notice of compliance.

Sa 10 binisita ng SSS, lima rito ang non-remittance ng kontribusyon ng kanilang manggagawa, apat ang hindi rehistrado, at isa naman ang walang maipakitang dokumento na batayan ng pagkakasaklaw ng kanilang empleyado sa SSS.

Facebook Comments