Mas istriktong pagpapatupad ng curfew sa Dagupan City, inihahanda matapos ang pagdami ng kabataan lumalabas sa gabi

Kasalukuyang inihahanda ang striktong pagpapatupad ng curfew hour sa Dagupan City, Pangasinan matapos itong matakalay sa naganap na City Advisory Council Meeting City ng Advisory Group for Police Transformation and Development o CAGPTD.

Ibinahagi ng ilang miyembro sa pagpupulong ang kanilang napapansin na pagdami ng mga pakalat-kalat na mga kabataan sa Dagupan City dis-oras ng gabi.

Maaari itong makapagdulot ng kapahamakan sa kanila lalo na’t hindi pa rin maiiwasan ang mga kaguluhan sa mga kabataan.


Isa na rin itong aksyon sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga kabataan at kapayapaan sa siyudad mismo.

Alinsunod dito ay magaganap sa mga susunod na pagpupulong at tatalakayin ng kapulisan at katuwang na ahensya ang usapin sa striktong pagpapatupad nito sa lungsod.

Facebook Comments