10-M NA HALAGA NG NASIRANG PANANIM, NAITALA SA CITY OF ILAGAN

Napabuntong hininga na lamang ang ilang magsasaka sa lungsod ng Ilagan habang tinititigan ang kanilang taniman ng mais na nalubog ng tubig baha bunsod ng pananalanta ng Bagyong Paeng.

Ayon sa City Agriculture Office, tinatayang nasa mahigit 485 na ektarya ng taniman ng mga mais, palay, at iba pang hybrid crops ang nasira at hindi na maaaring mapakinabangan pa.

Ang mga nasalantang pananim ay tinatayang nasa humigit kumulang sampung (10) milyon ang kabuuang halaga.

Ayon kay Domingo Sambu, isang magsasaka mula sa Ilagan City, gumastos umano ito ng nasa P18,000 na halaga para sa itinanim nitong mais, ngunit dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng ay wala na itong aanihin.

Samantala, ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz, ay nangangakong magbibigay ng agarang tulong para sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng nasabing pagbaha sa oras na bumaba na ang tubig baha.

Facebook Comments