10 OFW’s sa Bayombong Nueva Vizcaya, Binigyan ng Livelihood Assistance ng OWWA Region 2!

Bayombong , Nueva Vizcaya – Binigyan ng livelihood assistance ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 2 ang sampung Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pahayag ni Regional Director Filipina Dino ng OWWA Region 2, sinabi niya na ang livelihood assistance ay nasa ilalim ng programang Balik Pinas Balik Hanapbuhay ng OWWA kung saan ay may kabuuang Php20,000.00 na ayudang pangkabuhayan sa mga OFW ‘s na hindi naging matagumpay sa kanilang pagtratrabaho sa ibang bansa o ang mga itinuturing na distressed OFW.

Paliwanag pa ni Director Dino na ang package na ibinigay sa isang ofw ay maari nilang pangnegosyo o depende sa gustong nilang maging pangkabuhayan tulad babuyan, tindahan o sari-sari store at iba pa.


Sinabi pa ni Dino na dati ay mga goods ang ibinibigay pero ngayon ay cash na para sila na umano ang magdesisyon kung ano ang gusto nilang pangkabuhayan.

Paalala naman ni Director Dino na kailangan lamang umano na tutukan ang pangkabuhayan upang tuluy-tuloy ang kanilang negosyo na para rin sa kanilang pangangailangan araw-araw.

Samantala, ang sampong ofw’s na nabigyan ng livelihood assistance ng OWWA region 2 ngayong araw ay sina Richard Viejo, Romeo Calliena, Analinea Hilao, Noribel Alonzo, Joselino Beltran, Fedelito Pulga, Mark Wayne Pimentel, Sharmane Jay Ballesteros na pawang mga residente ng Solano Nueva Vizcaya; Flordeliza Tayaban ng Ambaguio Nueva Vizcaya at Mila Daquioag ng Bayombong Nueva Vizcaya kung saan ang pagbibigay ng pinasya ay isinagawa sa kapitolyo ng naturang lalawigan.

Facebook Comments