10 Songs Para sa Mahilig Mag-Senti

Mahilig ka rin ba mag-solo at mag-senti? Yung tipong gumagawa ka ng sarili mong music video sa isip mo. O yung tipong nagda-drama ka kahit wala ka naman talagang pinagdadaanan.

Pakinggan mo ang sampung kanta na ‘to na pandagdag sa pag-eemote mo:

NOTHING’S GONNA CHANGE MY LOVE FOR YOU by GEORGE BENSON


Ang kantang ito ay sinulat ni Michael Masser at Gerry Goffin at inilabas noong 1985 sa ilalim ng Warner Bros. Records. Pwede itong patugtugin tuwing kasama ang minamahal mo kasi walang magbabago sa pagmamahal mo sa kanya… kahit nagbago na ang pagmamahal niya sa’yo.

 

BEAUTIFUL IN WHITE by SHANE FILAN

Itong kantang ito ay sinulat ni Savan Kotecha at Arnþór Birgisson noong 2017 para sa ikatlong album ni Shane Filan na “Love Always.” Orihinal itong sinulat para sa bandang Westlife pero hindi ito tinanggap ng A&R Team dahil hindi daw ito bagay sa banda. Pero bagay naman ang kantang ‘to sa kasal lalo na kung ikakasal ka na sa mahal mo.

 

KUNG MAWAWALA KA by OGIE ALCASID

Ang kantang ito ay tungkol sa mga palaisipan kung iiwan ka ng minamahal mo. Ipinapakita dito na parang wala nang bukas kung wala siya, na sana panaginip lang kung mawawala ka. Pero paano naman kung mawawala siya; kaya mo bang harapin ang bukas nang mag-isa o hihintayin mong bumalik ang isang taong walang intensyong balikan ka?

 

BAKIT KUNG SINO PA by LLOYD UMALI

Isang kanta na isinulat ni Ben M. Escasa at nilabas noong 2014. Tungkol ito sa pagtataka kung bakit biglang nagbago ang lahat at kung bakit siya iniwan. Lahat naman iiwanan tayo balang araw. Kung sino pang minahal natin nang lubos-lubos, sasaktan at iiwanan lang tayo.

 

YESTERDAY ONCE MORE by CARPENTERS

Itong kantang ito ay inilabas noong 1973 sa album ng Carpenters na “Now & Then” at naging #2 sa Billboard Hot 100 noon. Tungkol ito sa pag-alala sa mga magagandang alala ng nakaraan kapag naririnig mo ang isang partikular na kanta; parang kapag naalala mo mga alala ninyo dati kapag naririnig mo ang theme song niyo pero hindi mo na maibalik ang nakaraan kaya hanggang alala nalang kayong dalawa.

WITHOUT YOU by AIR SUPPLY

Itong kanta na ito ay inilabas noong 1991 sa ilalim ng Giant Records at tungkol ito sa pagtanda sa isang panyayari sa buhay kung saan nawala ang minamahal at kung gaano mo kakilala ang isang tao. Ganun naman kasi talaga dapat, “people come and go” ika nga kaya kapag umalis na, wag mo nang habulin dahil hindi siya ang para sa’yo.

 

PAG-IBIG KO SA IYO’Y DI MAGBABAGO by MEN OPPOSE

Tungkol ito sa hindi pagbago ng pagmamahal kundi mas lalo mo siyang minamahal dahil akala mo lang na pangarap lang siya pero totoo siya. Ganyan talaga kapag nagmamahal, akala mo nasa pananginip ka parin pero totoo siya.

 

PANGAKO by REGINE VELASQUEZ

Tungkol naman ito sa mga pangako ng isang nagmamahal dahil kapag namamahal tayong lahat, gagawin talaga natin ang lahat para protektahan at mahalin sila. Pero sana lahat ng pangako ay hindi pinapako dahil mahirap umasa sa isang pangako na hindi tinutupad.

 

PARTING TIME by ROCKSTAR

Tungkol naman ito sa paglisan ng minamahal – kung saan kailangan na niyang umalis. Hindi naman kailangan palaging magkasama, minsan kailangan din magkahiwalay. Maaring babalik pero madalas, hindi na dahil it’s for the better.

 

PERFECT by ED SHEERAN

Itong kantang ito ay inilabas noong 2017 para sa album ni Ed Sheeran na “(÷)” o “Divide” at nabuo ang kantang ito nang marinig ni Sheeran ang “barefoot on the grass, dancing to our favorite song” mula sa kantang March Madness ng Future. Dito niya inayos ang lyrics at saka nilagyan ng tono sa iisang araw. Sabi niyang spesyal daw ang kantang ito. Tulad ng mga minamahal natin, kahit gaano pa sila katagal mag-ayos o kung ano man ang suot nila, sila ay Perfect parin para sa atin.

Facebook Comments