10 suspek sa Degamo killing, humiling na nais maisailalim sa WPP ng DOJ

Nagpahayag ng intensyon na mailagay sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang sampung suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, na hindi maaaring gawing state witness ang lahat ng mga suspek.

Aniya, pag-aaralan pa nila ang mga salaysay at ang partisipasyon ng mga ito sa krimen.


Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na maaari namang bigyan ng proteksyon ang pamilya ng mga suspek.

Sinabi ng kalihim na handa ang DOJ na ilagay sa WPP ang mga pamilya ng sampung suspek dahil may panganib sa buhay ng mga ito.

Ngayong araw ay kakausapin ng WPP ang mga kaanak ng sampung suspek.

Facebook Comments