
CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang 17-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang van sa Brgy. Turayong sa Lungsod ng Cauayan noong ika-sampu ng Nobyembre.
Kinilala ang biktima na si alyas βArnelβ,isang estudyante at residente ng Brgy. Minante 2, sa nabanggit na lungsod habang ang driver naman ng Van ay kinilalang si alyas βRonβ36-anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Batay sa imbestigasyon ng Cauayan City Component Police Station, binabaybay ng naturang van ang silangang direksyon patungong Barangay Turayong Proper nang magsagawa umano ito ng U-turn. Habang minamaniobra ang sasakyan,aksidenteng nabangga nito ang biktimang nakatayo sa gilid ng kalsada, dahilan upang matamaan ang kaliwang binti nito.
Matapos ang insidente, agad umanong tumakas ang driver ng van. Gayunpaman, nagtungo ang biktima sa direksyon ng SDO Cauayan City hanggang sa maabutan nito ang naturang sasakyan sa lugar na may layong humigit-kumulang 300 metro mula sa pinangyarihan ng aksidente.
Dinala naman ang naturang van sa himpilan ng pulsiya para sa kaukulang dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at maisagawaang kaukulang aksyon laban sa driver.










