10 Things “Kuripot” People Do To Save Money

Madalas ay iniisip nating selfish ang mga kuripot. Pero maraming tips na puwede nating matutunan mula sa kanila. Kung gusto mong makaipon tulad nila, ito ang ilan sa mga tips na makatutulong sa iyo.

  1. Live below your means

Huwag bumili ng mga hindi gaanong kailangang gamit kahit na may matitira kang pera sa katapusan ng buwan.


Halimbawa ay ang pagbili ng car loan. Maaaring bumababa ang presyo ng langis pero paano naman ang gastos sa maitenance, repairs at insurance na magiging parte ng iyong fixed costs.

  1. Cut on food costs

Imbis na kumain sa mga restaurant ay sa bahay na lamang kumain. Isama ang gulay at prutas sa iyong mga kinakain. Bukod sa mura ito ay maganda pa sa kalusugan. Maaari ring magbaon ng lunch sa trabaho o eskwelahan para makatipid. Sa ganitong paraan mas makakatipid ka at puwede mo pang ilibre ang pamilya mo sa gusto nilang restaurant paminsan-minsan.

  1. Watching movies

Mahal na ang mga ticket sa sinehan ngayon. May mga free movie sites na puwede mong panooran tulad ng itunes na nago-offer ng rent movies. Makakatipid ka pa sa pamasahe at popcorn.

  1. Spend only on needs, not wants

Ugaliing bumili ng mga gamit na kakailanganin mo lamang. Disiplina sa sarili ang kailangan mo. Huwag mong bilhin ang mga gamit kung idi-display mo lang at huwag kag bumili ng pagkain kung kakakain mo lang. Huwag din bumili ng mga upgraded na gamit tulad ng gadgets kung may magagamit ka pa naman.

  1. Keep your money away from you

Ito ang isa sa pinaka epektibong paraan upang makaipon ang mga kuripot.

I-invest na agad ang malaking parte ng sinahod mo. Kapag magsha-shopping ay iwanan mo ang pera mo. Masaya mag-window shopping. Mata mo lang ang masasaktan at hindi ang iyong bulsa.

  1. Say No

Madalas kapag kasama ang barkada ay napipilitan tayong gumastos kahit hindi naman natin gusto o kailangan. Hindi ito nangangahulugang selfish ka. Mainam nang maging praktikal.

  1. Make a Budget

Makakatulong ang paglilista ng mga kailangan mong bilhin. Sa ganitong paraan, magagastos mo ng maayos ang pera mo.

  1. Avoid last minute shopping

Madalas mangyari ito kapag holiday season. Magandang bago mamili ay planado na kung saan at anu-ano ang bibilhin mo para maiwasan mong bumili ng mga hindi kailangan. Magandang mamili ng post holiday season kung saan naka-sale ang ang mga bilihin.

  1. No to Branded

Maraming kahawig na mga branded na gamit at damit sa mga murang bilihan. Hindi kailangang mahal ang suot mo, sabi nga nila depende yan sa nagdadala.

  1. Begin with the end in mind

Ang pamimili ay parang goal setting. Dapat nakatatak sa isip mong nag-iipon ka para may direksyon ang mga desisyon na gagawin mo sa paggastos ng pera mo.


Article written by Melody Ruth Lacson

Facebook Comments