100 4P’s BENEFICIARIES, NAKAMIT ANG SELF-SUFFICIENT STATUS

CAUAYAN CITY – Nasa isang daang (100) benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ang nagtapos sa nabanggit na programa.

Ang naturang seremonya ay may titulong “Pammadayaw a Paggradua na Pantawid Pamilya”.

Nakapagtapos ang nasabing bilang ng benepisyaryo dahil nakamit ng mga ito ang “self-sufficient” na antas ng pamumuhay.


Nagbahagi naman ang LGU Bayombong ng tulong pinansyal para sa pagsisimula ng mga benepisyaryo.

Samantala, pinangunahan ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang nasabing selebrasyon.

Facebook Comments